Sorry, Nanay.

Standard

Nanginginig niyang binuksan ang bag para kunin ang cellphone. Natatandaan pa niya kung paano siya binigyan ng surprise gift ng nanay niyang teacher sa bayan nila. Dalawampung taon nang guro sa pampublikong paaralan ang nanay niyang apatnapung-apat na taong gulang na. Ang tatay niya? Hindi niya nakilala. Ang balita niya, sundalo daw na na-assign noon sa bayan nila. Dalawa lang silang magkapatid, siya ang panganay. Walong taon ang pagitan nila ng bunso niyang kapatid na siyang dahilan ng kanyang pagtataka kung pareho nga ba sila ng ama ng kanyang kapatid. Labing-pitong taon na siya ngayon, bagong salta sa Maynila. Swerte ring nakapasa sa scholarship sa magandang unibersidad. At ang napili niyang kurso? Nursing. Interesadong-interesado kasi siya sa mga bagay na may kinalaman sa medisina. Pangarap niya kasing ipagamot ang nakababatang kapatid na may mild autism.

Hirap na hirap siyang hanapin ang numero ng nanay niya sa phonebook at sa wakas, matapos ang panahong mas mabagal kaysa sa noong wala siyang nararamdamang kakaiba, nag-ring na rin ang telepono. Cannot be reached daw. Paulit-ulit, ring maya-maya’y magsasalita na ang operator. Sandali niyang hininto ang ginagawa sabay sabi sa sarili na “Baka may ginagawa lang si Nanay. Mamaya nalang ulit.”

Dahan-dahan siyang bumalik sa kama niya. Madalas siyang mahilo nitong nakalipas na tatlong buwan. Masyadong nakukulangan sa tulog ang nakikita niyang dahilan pero alam niyang hindi yun ang sagot sa tanong niya. Alam niyang may iba pang sanhi ang nararamdaman niya.

Dalawang pulang guhit. Inaral niya yun sa eskuwelahan kaya alam niya ang nangyayari. Humihigpit ang hawak niya sa kapirasong ito na sumira sa kanya. Sa kanyang pagkatao, sa kinabukasan niya at ng pamilya niya. Biglang nag-ring ang kanyang cellphone. “O, anak. Napatawag ka yata? Pasensiya na’t kakauwi ko lang. Katatanggap ko lang ng balitang magtatanggal raw ng mga teacher sa eskuwelahan. Wag kang mag-alala, anak. Hahanap ako agad ng mapagkakakitaan. Basta’t mag-aral ka nang mabuti. Mahal na mahal kita, anak.”

Nang mga saglit ding iyon, bumalik ang lahat sa kanya. Isang gabing naglalakad siya pauwi galing ng library para magreview dahil naputulan ng kuryente ang tiyahin niyang kanyang tinutuluyan. Na habang dahan-dahan niyang tinatahak ang kalyeng halos buwan na lamang ang nagsisilbing ilaw ay hinarang siya ng tatlong kalalakihan. Naaalala niya kung paanong nangyaring wala na siyang nagawa, hindi na siya nakalaban pa at umuwing humahagulgol, walang mapagsumbungan at sinisisi pa ang sarili. Gusto niyang humingi ng tawad pero natatakot siya. Gusto niyang magpaliwanag pero ayaw na niyang mulipang sariwain ang sinapit.

Naluha na lamang siya na nang tumagal ay naging hikbi sabay sambit ng “Wala po. Mangangamusta lang po sana.”

Follow Your Heart Nga Daw Kasi

Standard

Pinabasa kami ni Sir Jowie nung “Nagbabasa Ka Ba?” para gumawa yata ng reaction paper. Mahilig naman akong magbasa pero parang naumay ako dun sa article. Ewan ko ba. Ito lang nasulat ko.

Image

(Hindi pa naman siya tapos kaya pwede pang i-edit. Pero yan na yung idea ko talaga)

Ang labo masyado. Nakakahiya naman kung puro negative yung sasabihin ko kasi nilagay pa ni Sir sa blog niya. Ibig sabihin, hangang-hanga siya. Tama ba? Pero feeling ko si Sir naman yung tipong tanggap lang nang tanggap ng opinyon. Yun bang walang masamang ideya para sa kanya. Writer din naman siya kaya baka maintindihan rin niya. Nakakatakot din kasi baka matawa lang siya. Pero okay na rin naman yun. Ayokong matapos ang semester nang hindi ko nasasabi yung nararamdaman ko lalo na sa Filipino. Sobrang hanga ako kay Sir eh. Basta, ang galing. Sana lahat ng professors ganun. Lalo na sa Pol! Ayokong makakuha ng grade na bunga lang ng pagpapanggap ko. Ayoko nun. Kahit na nagka-tres ako sa Pol dahil sa pagpupumilit ko ng pinaniniwalaan ko at hindi pagsunod sa alon na ginagawa ng professor namin nun, wala akong pakialam. Gagawin ko na ‘to. Walang pagsisisi. At least, satisfied ako, diba? Yun naman ang mahalaga para sa akin. Sana okay lang yun kay Sir, sana talaga.