Grades at Langit

Standard

Sabi ng prof namin, hindi daw importante ang grades. Hindi ako sigurado pero parang sinabi niya, ang mahalaga yung natutunan. Pero paano mo malalaman kung may natutunan ka? Grades. Tsaka kung hindi importante yun, bakit yun yung kailangan para makakuha ng magandang trabaho?

Ang pagsabi ng nag-aaral hindi para sa mga numerong nilalagay sa report card ay para na ring pagsasabi na ang bigas ay pareho lang sa kanin. Oo, alam mong may natutunan ka kahit pa binagsak ka sa subject na yun pero paano kung naghahanap ka na ng trabaho? Paano mo mapapatunayan yun? Grades. Hindi naman lahat may naghihintay na kumpanya pagkatapos sa kolehiyo. Marami at kadalasan, resume lang ang alas para umangat sa buhay, para matupad ang mga pangarap.

Ito ang dahilan kung bakit hanggang Day 4 lang ako palagi sa libro ni Rick Warren na The Purpose Driven Life. Lagi niyang sinasabi yun na hindi importante ang pera, career, at iba pang materyal na bagay. Pero paano ka makakasurvive sa buhay kung bibitawan mo lahat? Bakit ka pa nag-aral? Bakit ka pa nabubuhay kung iniintindi mo lang pala yung after-life? Kaya hindi ko na matapos-tapos. Feeling ko, nagiging balakid lang yung librong yun para matupad ko pangarap ko.

Minsan nga napapaisip ako, totoo pa rin kaya yung heaven? Baka kasi marealize ko lang rin na yung langit parang si Santa Claus lang nung bata ako. Sorry Lord, I love you. Pinipilit kong palakasin yung paniniwala ko pero sobrang magkaiba yung buhay dito at buhay diyan. Gusto ko mapunta diyan walang pero, sana wala akong mabigay na pero. Siguro hindi pa ako handa, siguro masyado pa akong bata? Naisip ko lang, gusto ko munang maging selfish at abutin lahat ng gusto ko sa buhay bago ko na isipin na wala talagang halaga ang mga materyal na bagay. Alam ko yun, gusto kong isipin yun kaso wag muna ngayon.

2 thoughts on “Grades at Langit

  1. Siguro dahil hindi mga bagay galing dito sa mundo yung sukatan ng pagkatao, kundi yung kung pano tayo mino-mold nung mga yun. Haha! Ang galing mo magsulat sa tagalog. Hindi ko kaya yung ganyan. lol. And siguro Ana alalahanin mo yung verse na “To live is Christ. To die is gain.” Parang we don’t live for ourselves. Okay feel na feel ko talaga. HAHAHA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s