Paano Maging Effective na Bida sa Teleserye sa Pilipinas

Standard

Sabi sa akin ng nanay ko, nung bata daw ako, may lumapit daw sa amin habang namimili kami sa SM. Kukunin sana daw akong commercial model kaso nalaman na babae ako. Paano ba naman kasi, yung gupit ko dati para talagang panlalaki. Pero tsaka na ako maglalagay ng photo ko dahil hindi naman yun ang subject ng post na ‘to. Naisip ko lang, kunyari pala natuloy ako, malaki ang posibilidad na artista pa rin ako hanggang ngayon. Malamang, bida na rin ako sa isang teleserye kaso hindi at mabuti na rin yun kasi ayokong makulong sa katangahan ng writers ng mga teleserye sa Pilipinas. Buti nalang talaga. Wow! Lakas maka-assume na magiging artista talaga. Hahaha! At dahil hindi nga ako ang nasa harap ng camera, ako naman ang laging nasa harap ng TV at para sa mga nangangarap na maging artista, ito ang ilan sa mga tips kung gusto mong maging effective na bida sa isang teleserye.

Kailangan naka-activate ang tear glands mo 24/7. Dapat lagi kang umiiyak. Kapag inaapi ka, iyak ka lang kasi wala namang magagawa yung iisip ka ng paraan para makatakas sa problema. Mas maganda yung iiyak mo nalang lahat. Kapag inaapi ka ng madrasta mo, kapag pinagtataksilan ka na ng taong mahal mo, kapag pinatay magulang mo, iyak ka lang. At kapag naman maganda yung nangyayari iyak ka lang rin. Walang lugar ang mundo para sa mtawa kailangan laging umiiyak para effective. Basta lahat ng bagay iiyakan mo kahit may naiwan na plastic ng tig-pipisong tsitsirya, iiyak ka para madama ng mga manonood.

Kailangan manhid ka. Yung tipong nasa likod mo nalang yung pinagtataguan mo ng sikreto, hindi mo pa rin nararamdaman at sige ka pa rin sa pagladlad ng mga bagay na tinatago mo sa bestfriend mo. Kasama na rin sa pagiging manhid, yung pagiging magugulatin mo na kahit nasa gilid mo na yung boyfriend mo,nagugulat ka pa rin kapag yayakapin ka niya. Kailangan hindi mo maramdaman na malapit na yung criminal na initusang kunin ka, o halayin ka o basta gawan ka ng kahit anong masama. Hindi ka dapat lilingon para may chance ka pang tumili.

Kailangan  at one point, magkaamnesia ka o kaya makidnap ka. Dahil tanga rin mga kalaban mo, kailangan may mangyari muna sa’yo bago sila makakilos. Kasi kailangan sa teleserye sa Pilipinas yung “When the cat is away, the mouse will play.” At kapag nakatakas ka na, o bumalik na lahat ng alaala mo, nasa ibang teleserye ka na at ang asawa mo ay inagaw na ng iba. Ang nanay at tatay mo ay hiwalay na at kahit anong mangyari, may isang taong tutulong sa’yo para mabalik ang lahat sa kung paano mo yun iniwan at siyempre, laging yun ang ending tapos iiyak ka na naman dapat.

Siyempre, lahat ng yan ang nagbubunga sa principal talent na dapat meron ang isang bida at yun ay ang pagiging tanga. Hindi ko na kailangang magpaliwanag. Hindi naman mahirap magpakatanga lalo na sa pag-ibig… Chos!

Yan ang lahat ng mga kinakailangan mong gawin pero may isang bagay na hindi mo dapat gawin.

Hindi ka dapat umarte nang maayos. Dapat maging pabigat ka sa set na tipong pilit nalang yung ipapalabas kahit hindi maganda kasi pagot na yung crew. Yung tipong yung iyak mo hikbi lang, walang luha. Yung awkward yung mga kilos mo. Dapat nabubulol ka rin. Basta wag mong galingan, swak na swak ka na sa bida role!

Ayan na ang mga tips na sana makatulong sa inyo. Basta sundin niyo lang yan, tiyak na pasado na kayo sa panlasa ng mga batang hindi makatulog sa hapon, mga nanay na walang magawa habang namamalantsa at mga yaya na sinasamantala ang pag-oopisina ng mga amo!

One thought on “Paano Maging Effective na Bida sa Teleserye sa Pilipinas

  1. kelangan naapi ka parati, underdog. ung tipong mahirap ka tapos yayaman ka bigla. ung merong motivation para umangat sa buhay at syempre kelangan mo ng antagonist para maging effective na bida ka.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s