Babala: Corny ‘To

Standard

Hindi ko maipaliwanag pero iba ang pagmamahal ko talaga sa mais. At dahil nalaman niyo na kung tungkol saan talaga ‘tong sinulat kong ‘to, talagang akma na ang title. Oo, pinapayagan ko na kayong asarin ako dahil sa kakornihang taglay ko. Hahaha!

Okay, so bakit nga ba mais? Ewan ko rin talaga. Sa kahit anong pagkain, masarap talaga kapag may mais para sa akin. At ito ang listahan ng mga pagkaing may mais na talaga namang hindi ko pagsasawaan.

5. Carrots and Corn.

Image

Ito yung side dish sa Kenny Rogers’ at bongga talaga ‘to. Hindi ito yung paborito ko sa mga side dishes nila pero gustong-gusto ko ‘to. At speaking of Kenny Rogers’ gusto ko rin yung corn muffin nila dun. Haha!

4. Mais con Yelo

Image

Ano ba tama? Mais con Yelo o con Hielo? Pareho lang ba yun? May mga nakikita kasi akong ganun sa ibang tindahan eh. Anyways, kaya ko naman gusto ko ‘to kasi malamig at may gatas. Haha! Fan na fan rin ako ng gatas eh. Hindi ko rin ma-explain kung bakit.

3. Maja Blanca

Image

Dati kasi sa SM, may parang tindahan ng mga kakanin. Ang alam ko meron pa rin sa foodcourt ng SM Megamall yun eh. Tuwing madadaan kami, lagi kong pinapabili yung maja blanca. Madali kasing kainin tsaka masarap nga kasi may mais. LOL!

2. Sweet Corn.

Image

Kilala naman ako ng ilang tao na mahirap talagang pakainin ng street foods pero ito ang isa sa mga hindi ko tatanggihan. May cheese powder pa na mas nakakapagpasarap tsaka maiinit-init pa pag binigay sa’yo ni Kuya. Sobrang dali pang mahanap at bente lang!!!

1. Corn Ice Cream

Image

Masarap din yung dun sa nilalako ng cheap type ng ice cream pero nire-recommend ko ‘tong Picolé Corn Supreme! The best ‘to at talagang sulit ang pera. 40 lang siya at ang tanging tindahan na nakita kong may ganito ay yung sa The Little Big Store sa Gilmore. Baba lang kayo ng Gilmore Station at sa tabi ng Shakey’s, yun na. Boom! Masarap talaga ‘to, swear pero kung ayaw niyo, akin nalang. Hahaha!

Kaya nga siguro sobrang corny ko na kasi ang hilig ko sa mais. Joke! Hahahaha! Okay last ko na yun. Haha! Waley na waley pero alam kong bet niyo rin naman lahat ng pagkaing nilagay ko dito. Libre niyo ako ng top 1 ko please. Haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s