Hindi Ako Naniniwala sa 3-Month Rule

Standard

Inaamin ko, dati malakas ang paniniwala ko sa ganyang 3-month rule na yan. Saan ba kasi nakuha nina Basha at Popoy yan?! Nauso tuloy. At kahit na wala namang sukat kung gaano katagal makakalimot o makakahanap ng iba ang tao, nagagawa nalang din natin dahil yun ang dinidikta ng lipunan. Yun ang sinasabi ng media. Yun ang akala nating tama.

Bakit kailangan mo pang maghintay ng tatlong buwan para lang masabi na nakamove-on ka na? Bakit kailangan mo pang magbilang ng siyamnapung araw para lang makahanap ng iba? Hindi mo kailangang magpatugtog ng Someone Like You ni Adele sa loob ng tatlong buwan at maghintay sa balikan. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na 1 is to 1. 1 guy is to 1 day of crying. At sa totoo lang, hindi naman talaga natin iniiyakan yung lalaki e. Iniiyakan natin yung memories na mawawala. Kapag may nililibing, natural na maiyak at sa bawat break-up, inililibing natin ang dating pinapangarap na siya na pati na rin lahat ng masasayang pinagsamahan.

Babalik ako sa mga tanong ko kanina. Paano kung dumating na yung taong para sa’yo talaga pero pinagdidiinan mo sa sarili mo na kailangan mo pang maghintay ng matagal na panahon hanggang sa mawala na ang taong magpapaligayapala talaga sa’yo? Pero kung para sa’yo nga talaga siya, hindi siya mawawala. Pero sabi nga ni Eugene Domingo, ang mundo ay isang malaking Quiapo. Wala nang destiny sa panahon ngayon dahil marami nang lumalandi at mas lalong marami ang nagpapalandi. Paano kung nakahanap ka na talaga agad ng bagong magpapasaya sa’yo kahit isang linggo palang matapos ang hiwalayan niyo?

Hindi malandi ang taong makakahanap agad ng kapalit matapos ang hiwalayan. Anong magagawa natin kung plano talaga ng Diyos na magkakilala sila sa ganung panahon at sitwasyon? Malandi ang isang tao kung regular na niyang ginagawa ang makipaghiwalay at humanap agad ng iba. Pero may mga tao lang talaga na hindi kaya ang mag-isa, na sa sobrang dami ng pagmamahal niya, nagagawa niyang ipamahagi ‘to sa lahat.

Para sa akin, ang 3-month rule na yan ay para lang sa taong hindi matanggap na iniwan o tapos na sila ng taong mahal niya. Sa tatlong buwan na yun lang siya humuhugot ng pag-asang maaayos pa ang lahat. At sa siyamnapung araw lang siyang may matinding karapatan na magpaka-bitter. Sabihin man na respeto yun sa dati mong karelasyon, hindi pa rin yun ang basehan. Hindi kinakailangan ng matagal na panahon para masabing ginagalang mo ang taong dating nagpapaligaya sa’yo. Ang tunay na pagpapakita ng respeto ay ang maayos na pagpapaliwanag sa kanya kung bakit mo siya iniwan at ang pagsasabi ng totoong dahilan ng hiwalayan niyo sa mga taong nakapaligid sa inyo sa paraang hindi siya sinisiraan.

Kung para sa isa’t-isa talaga kayo, kahit tatlong dekada pa, magkakabalikan talaga kayo. At kung mahal niyo talaga ang isa’t-isa matututo kayong galangin ang anumang desisyon ng karelasyon niyo. Hindi natatapos ang pagmamahalan sa pagiging magkarelasyon at hiwalayan, hindi rin naman dapat kumapit nang matagal sa relasyong hindi na kayang gawan ng paraan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s