Let her rest in peace.

Image

Let her rest in peace.

May kanya-kanyang opinyon ang mga tao kaya pabayaan niyo nalang siya. Ate, hindi po pare-pareho ang estado ng mga tao sa buhay. Walang magulang ang gustong nahihirapan ang anak niya. Walang magulang ang titigil sa pagkayod hangga’t kaya pa. Meron pong mga panahong tinatawag na “hindi talaga kaya.” Kung nagmamalaki naman po pala kayo, edi magbigay nalang po kayo ng pera sa pamilya kaysa sa ipambayad niyo sa kuryente niyong ginamit sa pagpost nung mga sinabi mo. Ate, hindi ko alam kung namatayan ka na o hindi pero sana po malaman ninyo na kung ikaw po nawalan, comfort ang kailangan mo at hindi panghuhusga. Sa mga bashers naman po ni ate, alam niyo naman palang nagpapapansin na, bakit niyo pa pinapatulan? Matuto po tayong rumespeto ng pananaw ng iba dahil ang posts naman po nating lahat online ay nananawagan ng suporta at hindi paninira. Kung mali, edi mali. Para sa kanya tama yung ginagawa niya. Pero kung totoo ngang nagpapapansin lang siya, edi wag niyo nang pansinin para masupalpal siya. Hindi tayo magkakapareho ng opinyon, hindi tayo pare-parehong kayang makatulong, hindi tayong lahat kayang makaintindi sa nararamdaman ng naiwan niya pero pare-pareho tayong marunong magdasal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s